Monday, April 26, 2010

SPOT THE DIFFERENCE

NANAY NI HAYDEN KHO
NANAY NI JASON IVLER
NANAY NI MANNY VILLAR

At dahil wala nanaman akong magawa, nanood ako ng TV at nakita ko ang pag resbak ng nanay at mga kapatid ni Manny Villar. Nakita ko ang kanyang ina na naka wheelchair at umiiyak. Dinadaing ang paghihirap niya noon sa palengke at ang pag kutya sa anak nya ngayon. Nakita ko rin ang galit ng kanyang mga kapatid sa media dahil daw hindi sila patas. Tumawa lang ako......

Tapos nalala ko yung mga naunang nanay na humarap sa TV nag iiiyak at pinag tatanggol ang kanilang mga anak.... si Mrs. Kho at si Marlyn Aguilar, tapos naisip ko ano nga kaya ang pag kakaiba nila kay Coring Villar... natawa nalang ulit ako.

Sabi nga nila, kahit ikaw na ang pinakapangit na tao sa buong mundo, tatawagin ka paring "POGI" ng nanay mo.

Maalala ko lang nung pa ako, tinuruan na ako ng nanay ko na mag ligpit ng sarili kong kalat... inisip ko tuloy kung tinuruan din si Hayden, Jayson at Manny ng mga nanay nila ng ganyan nung mga bata pa sila.....

Siguro hindi.... tignan mo sila at ang mga nanay nila ngayon


MORAL OF THE STORY: wala, basta wag nalang silang tularan.

Tuesday, April 6, 2010

Yeah.... that was weird

The sun was held so high, temperature's at it's peak and humidity fills the air. It's few minutes pass 12 and I'm ready to leave for office. Put on my sun glasses and walked 2 city blocks under the fierce sunshine with scarce shade to hide. Reached the intersection where the jeepneys load and unload passengers, I waited for the jeep that will take me to my destination. Rode the jeep that say "Pantranco" on the sign and waited for more passengers before the driver decides it's time to depart.

The jeepney stopped for few seconds after running several hundred meters, then a sutble breeze with a sweet smell brushed my cheeks. I realized it came from the hair of a girl that sat on my left side. Few tone lighter than regular Filipino skin, petite, kind looking face, aged around 16 or 17, Vitoria's Secret perfume... love spell.... then I got reminded of my bad habbit of noticing the details of randoms trangers, particularly their smell. She's wearing a big pink back pack with geometric lines, a green shirt that says "University of the Philippines Statistical Society" and carrying a long golf umbrella... I said to my self "that was Hot" without any intentions of making perverted remarks.

As the jeepney continued to roll, I noticed the girl glancing at me from time to time. Thanks to my dark-tinted sun glasses, she hadn't noticed I'm looking at her the whole time in my peripheral vision. Few meters before reaching the corner of Roosevelt and Quezon Ave. the girl took out a small note book and uttured "Ramon? Mr. Ramon Millon?" I placed my hand over my chest as instinct instructed me... to check if I'm wearing my I.D. which can be the most probable explination how she knew my name. Verified that I was not wearing my I.D. I replied "Yes? How did you know my name?" She smiled and said "You are student of Dr. Mercado in your MBA program right?" I felt puzzled rather than worried that she's stalking me, I mean, she's petite, cute and kind looking. I wouldn't mind if she's stalking me or something. "Yes... why?" I said with a mix of hesitation, "wala, nakita ko kasi pic mo sa cellphone ng ate ko.... classmate mo sya sa graduate school." Being really puzzled by this scene I asked "Sinong ate? Anong picture? How did you know my name if its just a picture?". Reply as fast as she could "yung pic mo na mukang seryosong seryoso na nakatitig sa laptop"... "PARA!" she shouted... alighted the jeep and left my thoughts hanging.

Last images of her was when she rode a FX going to SM Fairview. I was completely clueless with what just happened. Got out of the jeep when it reached Jollibee and transferred to a jeep going to Philcoa still with my mind floating. I snapped from the confussion and realize that office is near. I'm not sure if I already paid for my fare or not. It's my habbit to pay the the fare once I'm seated but my mind left my body for a moment then so just to be sure I grabbed my wallet to pay my fare. I saw the driver smiled, but I didn't give a damn anymore.

I reached the office still with half of my brain contemplating about that encounter. Left my things in the locker and went straight to the pantry to get my doze of freshly brewed coffee. Sat on my station and staring blankly on my monitor... It's been 5 hours since it happened, my tumbler is still half full of coffee and my work load is all done... maybe I did them half conciously.

Monday, February 1, 2010

SUNOG! SUNOG!

There are lots of things running in my mind lately and i dont know where to start....

kaya simulan ko nalang sa sunog malapit sa amin kahapon...... several houses were burning (like 4 house/lots away from our home...) it was a big fire and may end up burning the whole block in minutes if firemens (*** LOL! bobo firemens amp XD natawa ako kaya di ko na edit yan XD) didnt came on time...

I was sleeping at that time actually, nagising lang ako dahil tinatawagan ako ni ate kasi pauwi na sya at nakita nya na may makapal na usok... akala nya bahay na namin yung nasusunog... pag gising ko sumilip ako sa bintana.. I saw lots of people running and yelling in the street like everyone is in panic mode..... but me... i didnt even bothered going out to check who's house is burning or even thought of helping to put out the fire... to cut the long story short.... di na ako naki usisa sa sunog at nanuod nalang ako ng TV at kumain

then questions started popping in my head.... mali ba yung ginawa ko? paano pag ako kaya ang nasunugan may tutulong kaya sakin? ano ba dapat talaga ginawa ko?...... then after few minutes of silence i started pondering things.... naisip ko na parang wala namang mali sa ginawa ko.... una, it wouldnt make a difference kung andun ako at nakisama sa mga nag uusisa... pangalawa, pag nagpunta ako dun sa sunog malamang makasagabal lang ako sa mga bombero which made me think na mas tama pa ata ang ginawa ko kesa sa mga taong nagpunta doon... pangatlo, knowing my self... im not the person that would try to do something heroic.... and lastly... paano kaya pag ako ang nasunugan? mag tutulong kaya sa akin?... after balancing circumstances... i was still comforted by the fact that few people think as radical as me (im not saying its a good thing and something to consider superior over others)

---- a similar scenario happened in school actually... i was in 4th year college... I was inside the school when the "magic bell" rang and classes were suspended and the guards closed the gates of the school and some students (including me) were stranded inside the school. Activists started filling up outside the gates of PUP and they are trying to make their way in (if my memory serves me right, this happened because of Jun Lozada's visit to PUP) everyone is in panic and activists are shaking the gates and tried pushing it....... as for me..... i decided to have a coffee in the coffee house neer the gates of PUP... i was sitting their sipping my hot coffee, eating nachos and watching people doing their stuffs... no one was inside the coffee house besides me and the cashier..... and then the cashier asked me... "bakit di ka nakisama dun sa mga estudyante?" and i replied "kuya, mas masarap kumain at mag kape kesa mag welga".... but actually.. i just didnt want to put myself in a position wherein i could be in harms way for something that is not in my top priorities of things that i really do care about

-------------
and then i woke up this afternoon.... i started thinking again (this could be the effect of not having a decent sleep for 1 week)..... masama ba akong tao? (lolx as if i care if I am XD) do i need to change my principles? do i need to review my values?...... well maybe in due time..... as of now it is still working for me just fine and im planning to stick with it unless circumstances force me to change XD

Bakit may mga taong gustong matalo si Pacquiao?

OK... I dont get why some people want Pacman to lose his matches.. its like they have personal grudge to the man

Why do you people want to see Manny lose? why do you want him to fail? Dahil pag nanalo sya magiging over rated sya? Dahil pag uwi nya dito may hero's welcome sya? Dahil meron nanaman syang ipag yayabang? Dahil tataas ang chance nyang pumasok sa politika? Dahil sya nanaman ang laman ng lahat ng news? gawd people you are just plainly envious to that man

Ano ngaun kung over rated sya? ano ngaun kung may hero's welcome sya? ano ngaun kung mag yabang sya? ano ngaun kung maging laman sya ng lahat ng news? HE EARNED IT GIVE IT TO HIM.. although the political plan part... im not in favor of pacman getting a position but heck part yan ng rights nya as a filipino so wag na nating pakialaman din yan... and about his singing... bah its ugly but heck he got the money to produce albums people buy it and we cant do anything about it so wag narin nating pakialaman yan

and given all the stuffs above......... he may/can do all those stuff but what to we get in return? Happiness and pride for the rest of the nation..... see kahit magyabang sya what so ever, its FRIGGIN FINE! he is just 1 man, 1 man that can give the rest of the nation a day of satisfaction to remember

di ko sinasabing galit din ako sa mga taong rooting/betting for the other side of the ring, most of this people are the people who looks at statistics and odds of winning and not due to a grudge toward manny..... ang pag favor sa kalaban ni pacquiao ay iba sa kagustuhan lang talagang matalo sya

Wednesday, January 6, 2010

Ang kawawang si Hudas

"God knows HUDAS not pay"
"HUDAS ka talagang lalake ka manloloko!"
"traydor kang HUDAS ka"

...ilan lamang sa mga katagang lagi nating naririnig na ginamit ang pangalang Hudas upang isalarawan ang isang taong may masamang ugali. Ngunit sino nga ba si Hudas?

Kung mag kakaroon ng parangal para sa pinaka-inaayawan at pinaka-susuklam na nilalang sa mundo, malamang si Hudas ang makakakuha nito.... lahat ng Kristiano at kahit hindi Kristiano ay alam na alam kung ano ang ginawa ni Hudas kay Hesus at kung paano nya ito pinagkalulo.... alam din ng lahat kung paano pinalaganap ng mga Pari, pastor at ng kung sino sino ang kasiraan ng pangalan ni Hudas, kaya kahit magpasahanggang ngayon napakasama ng imahe ng kanyang pangalan mapa-bata man o matanda.

Sa aking palagay si Hudas ay isang bayani, isang bayaning itinapon ang sariling kapakanan at pangalan upang maligtas ang sanglibutan, isang bayaning kinaaayawan at hindi naiintindihan.... parang isang kasangkapang matapos pakinabangan ay tinapon nalang....

Ayon sa biblya kaya daw naipako sa krus at dumanak ang dugo ni Hesus ay para hugasan ang kasalanan ng sanglibutan... ngunit sino nga ba ang gumawa ng paraan para maipako sa krus si Hesus? sa makatuwid si Hudas ang naging instrumento ng pagkahugas ng ating mga kasalanan..... ngunit imbis na bigyan sya ng titulong santo ay ginawa syang imahe ng kawalang hiyaan at kasamaan.... ang kawawang si Hudas.......



*Disclaimer:
Di ako naniniwala dyan hahaha ginawa ko lang yan out of logical thinking XD

Tuesday, January 5, 2010

Changes.........

Change is nature, the part that we can influence. And it starts when we decide." - Ratatouille

for few days now I'm thinking about changes, changes in all forms, changes that may affect one's life greatly, changes that we want and changes we dont expect, changes that we wish we could say "its for the better"

Maraming tao sa paligid ko ang nag hahanap ng malaking pag babago sa kanilang buhay, di ko man naiintindhan ang kabuuan pero alam kong may dahilan.... but it makes me think, do people really need drastic changes? do we need to change just for the sake of changing? or we should make changes when we feel the need for it?

then i came up with this.... drastic changes are not good... this is like forcing your self to become somebody else, these are the changes that may give you a short relief but you may take the toll for a long time, changes that may take your identity, forget who you really are and in turn forget what you are changing for...

for me.. if you really seek changes in your life, you should always take 1 step at a time, with this, every step will prepare you to take the next one, no stone will be left unturned and it will always remind you what are you changing for... and when you feel the changes you've done is enough, you can easily stop

then there are changes that we dont expect, nothing can really prepare us with this one but all we need is an open mind and the guts to face it and be flexible enough to cope with it.. the hardest things to break are the ones that can bend

change is inevitable, it will always be a part of who we are, who we will be and who we should have been.... dont hessitate to take the chance, make a choice or take the risk just because you are not sure if you are ready... you'll never know when you are ready anyways

Isang pagtatanggol para sa "New Year's Resolution"

Naging isang tradisyon na ang pag gawa ng New Year's resolution sa bawat pag tatapos ng taon, ngunit marami ang bumabatikos at di naniniwala sa ganitong gawain.

Laging naitatanong ang "bakit pa kailangang mag hintay ng bagong taon bago ka gumawa ng pag babago sa buhay mo?" ..... may punto nga naman sila...... pero siguro dapat narin nilang pag isipan ang mga ito

bakit ka pa mag hihintay ng pasko bago ka mag noche buena?
bakit pa naghihintay ng Ramadan ang mga Muslim bago sila mag fasting?
bakit pa naghihintay ng thanks giving day bago mag thanks giving dinner?
bakit pa naghihintay ng mahal na araw bago magpapako sa krus ang mga de boto?
bakit pa kailangang mag hintay ng mother's day at father's day para ipagdiwang ang mga ina at ama?

may mga bagay na ginagawa ayon sa panahon, ang new year's resolution ay hindi isang palusot upang hintayin ang pag dating ng bagong taon para lang mag bago. Para itong annual business plan, ginagawa lamang taunan upang gumawa ng isang kalsada na syang babaybayin mo hanggang sa susunod na taon. Kung tutuusin, kaya gumagawa ng new year's resolution ang mga tao ay para subukang simulan ng tama ang panibagong taon at di na ulitin ang mga pagkakamali ng nakaraan. Di naman sinasabing di ka pwede mag bago sa kalagitnaan ng taon, pero di naman new year's resolution ang tawag dun =)). Ang bagong taon ay simbolo ng bagong simula, kaya siguro nag pupumilit ang karamihan na i-set ang isip nila na magsimula ng tama.

Oo tama kayo na hindi rin naman sinusunod kadalasan ang new year's resolution, lahat naman ng plano ng pag babago mapa new year, mid year, quarterly, semi-annual at bimonthly man eh di rin nasusunod lahat, at least pag new year may drive kang mag bago para sa ikagaganda ng susunod na taon. Suriin nyo rin, pagkatapos ng mother's at father's day, aawayin nyo nanaman ang mga magulang nyo at makikipag sagutan; pagkatapos magpapako sa krus ng mga deboto pag mahal na araw eh balik bisyo nanaman ang mga mokong, pagkatapos ng Ramadan, ang mga pamilyang may alitan ay muling magpapatayan; pag katapos magdiwang ng thanks giving day at muli nanamang mag mumurahan ang mga kano; pag tapos na ang pasko tapos narin ang kabutihan ng karamihan....... marami tayong ginagawang mga bagay na wala ring kinahahantungan pag lipas ng ilang araw...

kaya hayaan na natin yang si New Year's Resolution na sumikat pang December 31 at January 1......